7 E-sabong websites, ipinasara ng DILG

Ipinasara ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pitong E-sabong websites na iligal na nag-o-operate sa kabila ng pagpapatigil dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, iniimbestigahan na ng Anti-Cybercrime team ng Philippine National Police ang operator ng nasabing mga website para masampahan ng kaso.

Aniya, binabantayan din ng PNP ang 12 websites at 8 social media pages na naka-link sa online sabong operations.


Sinabi pa ni Malaya na natuklasan din nila na may mga Facebook groups ang nagpo-promote ng operasyon ng E-sabong at nagbibigay ng access sa mga gumagamit nito sa pamamagitan ng links.

Umapela naman ang ahensya sa Meta (Facebook) na burahin ang mga nasabing page dahil maaari rin itong mabuksan ng mga menor de edad.

Nauna nang ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP Anti-Cybercrime Group at sa lahat ng PNP units sa buong bansa na habulin ang mga E-sabong sites na iligal na nag-o-operate sa bansa.

Facebook Comments