7-Eleven, nangako ng $7,111 college fund para kay ‘7-11 baby’

110
Image via Rachel Langford

Kamakailan lang ay nag-viral ang sanggol na isinilang nito lamang Hulyo 11 o 7/11, 7:11 pm, at may timbang na 7 pounds at 11 ounces.


(BASAHIN: ALAMIN: Kuwento sa likod ng binansagang ‘7-11 baby’)

Nang malaman ang tungkol kay baby J’Aime Brown, nagpaabot ng regalong basket ng diaper at ibang merchandise ang 7-Eleven, ayon kay Rachel Langford, ina ng bata, sa panayam ng CNN.

Ngunit mas may malaking regalo pa pala ang convenience store na hindi inasahan ni Langford.

Nag-alok ang kompanya ng $7,111 o katumbas ng halos P365,000 na college fund para kay baby J’Aime, na malugod na tinanggap ng ina.

Bukod kay J’Aime ay mayroon pang 6-anyos na anak si Langford at aniya hindi madaling pagsabayin ang mga bayarin at pangangailangan ng mga bata.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng ina sa natanggap na trust fund na tinawag niyang “blessing.”




Facebook Comments