7 hanggang 15 paliparan sa bansa, target isapribado ng pamahalaan

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mas marami pang paliparan sa bansa ang isasailalim sa privatization.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nasa pito hanggang 15 pang airport sa bansa ang target nilang isapribado.

Kabilang dito ang Bohol-Panglao International Airport, na magtatapos na ang Swiss challenge period sa November 11.


Habang inaantay na lang ang National Economic and Development Authority (NEDA) approval para sa privatization ng Iloilo International Airport.

Kasama rin sa isasailalim sa privatization ang Davao International Airport at Kalibo International Airport.

Kahapon ay nilagdaan ng DOTr, Civil Aviation Authority (CAA) at ng Aboitiz InfraCapital ang 30-taong Public-Private Partnership Project Concession Agreement para sa operations at maintenance ng Laguindingan airport sa Misamis Oriental.

Ayon sa DOTr, inaasahang kikita ang pamahalaan ng P3.7-B sa kasunduang ito, o P47-M sa unang taon at sa mga susunod pang taon at 3% na share sa gross revenues.

Facebook Comments