7 high-risk war-like area para sa mga Filipino seafarers, tinukoy ng DFA

Tinukoy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pitong high-risk war-like area para sa mga Filipino seafarers.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa bahagi ng Red Sea at Gulf of Aden.

Sa Malacañang press briefing sinabi ni DFA USec. Eduardo de Vega, lilimitahan ang rutang lalayagan ng mga Pinoy seafarers.


Kabilang sa mga tinukoy delikado para sa mga seafarers ay ang: Yemeni Coast, southern section ng Red Sea, Gulf of Guinea, Sea of Azov, Strait of Kerch, Northern Black Sea Region, lahat ng ports sa Ukraine, at ang Black Sea.

Ayon kay De Vega, may opsyon ang mga Filipino seafarers na tanggihan ang deployment sa mga naturang lugar.

Patuloy rin aniya ang paglalabas ng advisories ng Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments