Manila, Philippines – Pitong isyu ang tinukoy ng Korte Suprema na tatalakayin sa Martes kaugnay ng oral arguments sa mga petisyon kontra Martial Law Extension sa Mindanao.
Kabilang dito ang isyu kung may kapangyarihan ba ang kongreso na magtukoy ng sarili nilang rules of proceedings sa pagsasagawa ng joint session.
Aalamin din sa oral arguments kung kakailanganin ba na mag isyu ang kort suprema ng temporary restraining orders o injunction.
Gayundin ang isyu kung may limit ba sa ilalim ng konstitusyon ang pagkakaroon ng extension ng martial law at kung gaano kahaba ang itatagal ng pagpapalawig.
Aalamin din sa oral arguments kung may katotohanan na nagkakaroon ng mga paglabag sa karapatang pantao sa pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao.
Facebook Comments