7 Kalalakihan na Natiklo sa Pagsusugal, Inaresto!

80

*Cauayan City, Isabela- *Hindi nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang 7 katao matapos na maaktuhang nagsusugal sa Brgy. Centro 2, San Guillermo, Isabela.

Nakilala ang mga naaresto sa paglalaro ng ‘Lucky Nine’ na sina Richard Asuncion, 41 anyos; Roger Dulay, 29 anyos; Marvin Mabazza, 27 anyos; Urbano Parayno, 45 anyos; Divino Sunga, 25 anyos; Roberto Quinto, 35 anyos; at Jonathan Ngipol, 25 anyos na pawang mga residente ng naturang barangay.

Nakumpiska sa lugar ang ginamit na mga baraha at pera na may kabuuang halaga na Php1,550.00.


Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga nahuling suspek at nakumpiskang item para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments