7 kalsada, hindi pa rin madaraaan matapos ang bagyo at habagat

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa pitong pangunahing kalsada ang sarado at hindi madaraanan ng anumang uri ng sasakyan.

Ito’y bunsod ng nagdaang tatlong bagyo at habagat.

Partikular na hindi madaraanan ang Kennon Road, Baguio-Itogon Road at Gov. Bado Dangwa National Road sa Benguet.

Sarado rin ang Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road sa Pampanga gayundin ang Diokno Highway sa Calaca at Talisay-Laurel-Agoncillo Road Bugaan sa Batangas.

Nabatid na ang mga naturang kalsada ay nagkaroon ng mga bitak-bitak, gumuho ang lupa, nagbagsakan ang malalaking bato at pagbaha.

Nasa 12 kalsada rin sa mga nasabing rehiyon kabilang ang Negros Island Region at Region 9 ang limitado ang pagdaan ng mga motorista dahil sa epekto ng bagyo ng bagyo at habagat.

Facebook Comments