UPDATED: 7 katao arestado dahil sa hinihinalang vote buying!

Aguilar Pangasinan – Aabot sa higit 443,000 na halaga ng pera na may kasamang election paraphernalia ang nasabat ng PNP Aguilar sa pamamagitan ng mga tauhan ng isang congressional candidate sa ikalawang distrito ng Pangasinan.

Hinihinalang gagamitin di umano ito upang paboran ang mga kandidatong nasa sample ballots at iba pang election paraphernalias. Sa spot report ng PNP Aguilar nangyari ang nasabing insidente ng hinihinalang vote buying dakong alas-9 ng umaga na kinasasangkutan 7 katao at tatlo dito ay mga opisyal ng barangay at apat na empleyado ng LGU Bugallon.

Tinangka kahapon na sadyain ng mga nahuli ang tanggapan ng Provincial Prosecutors Office ngunit dahil sa walang naka-duty ay napilitang magpalipas ng gabi ang mga ito sa kustoiya ng NBI. Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.


Photo Credited to PNP Aguilar

Facebook Comments