7 KATAO, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

CAUAYAN CITY – Arestado ang pitong indibidwal matapos ang isinagawang anti-illegal gambling operation ng Ballesteros Police Station.

Ayon sa ulat, naaktuhan ng kapulisan ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Ariel”, 58-anyos; alyas “Myrna”, 47-anyos; alyas “Jona”, 35-anyos; alyas “Jaja”, 63-anyos; alyas “Michelle”, 57-anyos; alyas “Rina”, 46-anyos; at alyas “Isabel”, 44-anyos, na naglalaro ng Mahjong.

Nakuha rin mula sa kanilang pag-iingat ang dalawang set ng Mahjong tiles at P1,885.00 na bet money.


Agad naman silang dinala sa himpilan ng Ballesteros PS para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments