Cauayan City, Isabela-Arestado ang 7 katao sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad sa Probinsya ng Isabela.
Nakilala ang mga akusado na sina Vicente Morillo, 28-anyos, construction worker; Vicente Abad, 31-anyos, tricycle driver kapwa residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela at si Antonio Aggari, 52-anyos, construction worker at residente ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.
Nadakip ang mga akusado matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Angerico Ramirez, 11 MCTC Gamu-Burgos para sa kasong Slight Physical Injuries.
Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga akusado kung makakapaglagak ng piyansang P500. Samantala, una nang nakapagpiyansa si Morillo para sa kasong Malicious mischief.
Maliban dito, inaresto din si Jowersky Duldulao, 24-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.
Dinakip si Duldulao sa kasong Batas Pambansa Blg. 6 at inirekomenda ng korte ang P6,000 piyansa nito.
Samantala, naaresto din si Salvador Fernandez, 32-anyos, laborer at residente ng Brgy. Quinagabian, Santa Maria, Isabela.
Dinakip si Fernandez para sa kasong Child Abuse habang inirekomenda ang piyansang nagkakahalaga ng P200,000 para sa kanyang kalayaan.
Kabilang din sa mga naaresto si Rodolfo Orena, 47-anyos, biyudo,residente ng Kanyogan, Sta. Theresita, Cagayan.
Inaresto si Orena matapos ang paglabag nito sa kasong Sec. 5 ng RA 9262 at naglaan ng piyansang nagkakahalaga ng P72,000.
Naaresto din ng pulisya ang Top 5 Municipal Level sa ilalim ng Manhunt Bravo.
Nakilala ang akusado na si Reynor Romero, 45-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Esperanza East, Aurora, Isabela.
Dinakip si Romero matapos ipag-utos ng korte ang pag-aresto ditto para sa kasong RA 10883 (The New Anti- Carnapping Law).
Inirekomenda naman ng hukuman ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P300,000.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga pulis ang lahat ng suspek para sa kaukulang disposisyon.