7 Korean nat’l, patay matapos lumubog ang isang tourist boat sa Hungary

Nasawi ang nasa pitong South Korean tourist habang 21 ang nawawala matapos lumubog ang isang tourist board sa Danube River sa Budapest, Hungary.

Lulan ng tour boat ang nasa 30 South Korean tourists at tatlong tour guides, at dalawang Hungarian crew nang bumangga ito sa isa pang vessel.

Pito pa lamang ang nasasagip sa nagpapatuloy na massive search operation.


Pahirapan din ang search operation dahil sa malakas na ulan na nagdulot ng strong current sa ilog.

Ikinasa na ang criminal investigation habang hindi pa malinaw kung sinong vessel ang responsible sa collision.

Nagpadala na ang South Korean Foreign Ministry ng team of officials at magkakaroon na rin ng counselling sa pamilya ng mga biktima.

Tiniyak ni South Korean President Moon Jae-in na makikipagtulungan sa Hungarian government sa imbestigasyon.

Facebook Comments