7 Lalaki na Nagsusugal at Nag-iinuman, Arestado sa Gitna ng Enhanced Community Quarantine!

451

Cauayan City, Isabela- Imbes na sa kanilang bahay mananatili ang pitong (7) kalalakihan ay sa PNP Naguilian na lamang magpapalipas ng mga gabi ang mga ito matapos silang maaresto sa pag-iinuman at pagsusugal sa gitna ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine partikular sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw ang mga suspek na sina Reynante Reyes, Dandy Marron, Jayner Castro, Vicente Bautista, Mark Anthony Capuchino, at Jimmy Barangay, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Magsaysay ng naturang bayan.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Garry Macadangdang, hepe ng pulisya, dalawang beses na aniyang sinita ng kanilang brgy officials ang mga suspek subalit nang bumalik ang kanyang tropa sa lugar kahapon upang magbigay paalala kaugnay sa pag-iwas sa Coronavirus disease o COVID-19 ay naaktuhan ang mga ito sa ilalim ng puno ng Sampaloc na nag-iinuman at nagsusugal.

Dahil dito, agad silang inaresto at nakumpiska sa lugar ang mga ginamit sa naturang iligal na gawain.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments