Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na may pitong Local Government Units (LGUs) ang sangkot sa iligal na pag-recruit ng Pinoy seasonal workers patungong South Korea.
Tumanggi naman si Cacdac na pangalan ang mga sangkot na local officials.
Kinumpirma rin ni Cacdac na 37 illegal recruiters na rin ang kanilang nasampahan ng kaso.
Ito ay mula aniya sa 118 complainants na lumantad para magsampa ng reklamo.
Sa naturang bilang ng complaints, dalawa aniya ang mabilis na umuusad, kabilang na ang mga kasong naisampa sa Pasay at Davao, habang na-dismiss naman ang isang kaso sa Tarlac.
Tiniyak naman ng kalihim na sa ilalim ng ipinatutupad ngayon ng DMW na Seasonal Workers Program (SWP), tiyak aniya ang proteksyon ng Pinoy seasonal workers sa South Korea.
Sa ngayon, 6,100 na mga Pinoy na ang seasonal workers sa nasabing bansa.