Cauayan City, Isabela- Nananatili sa ‘active status’ ng Community at Local Transmission ang ilang bayan sa lambak ng Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal ng DOH region 2, aktibo pa rin sa community transmission ang Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan; City of Ilagan, Cauayan City sa Isabela maging ang Santiago City.
Habang ang bayan ng Luna at Tumauini sa Isabela ay aktibo naman sa local transmission gayundin ang bayan Solana sa Cagayan.
Sa Isabela, nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng local transmission ang bayan ng Tumauini na may 54, habang ang Tuguegarao City ay nakapagtala ng 76 na active cases, na sinundan ng City of Ilagan na may 57 at may pinakamataas pa rin ang Cauayan City na may 83 dahil sa Community transmission.
Hinimok pa rin ng DOH ang publiko na magdoble ingat ngayong banta para sa lahat ang bagong variant ng COVID-19 na nakita sa isang Pinay OFW na tubong Cagayan Valley.
Facebook Comments