Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pitong lungsod sa National Capital Region (NCR) ang mayroong kaso ng variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom at South Africa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, labing-isang lungsod sa NCR ang may UK variant habang may pito pa ang South African variant.
Hindi naman pinangalanan ni Vergeire kung ano-anong lungsod ang mga ito.
Ayon sa opisyal, sa kabuuan sa mga sample specimen na sinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center mula sa NCR ay nasa 5.5% ang nagpositibo sa South African variant habang 3.5% naman sa UK variant.
Aminado naman si Vergeire na hindi sapat ang pagsunod lang sa minimum public health standards lalo na at sumisirit na naman ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ganitong pagkakataon ay mahalaga rin aniya ang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan para mapigilan ang transmission ng virus sa kani-kanilang lugar.