7 luxury cars na na-impound sa Bulacan na may posibleng kaugnayan sa mga Discaya, iniimbestigahan na ng PNP-HPG

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang 7 luxury cars na na-impound sa Bulacan kung may posible itong kaugnayan sa mga Discaya.

Ang mga 7 luxury cars na ito ay kinabibilangan ng 1 Ferrari, 2 Nissan GTR, 1 Toyota Supra, 1 Maserati, 1 Land Cruiser at 1 BMW na napagalaman na gumagamit ng improvised na plaka at hindi rehistrado .

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni HPG Spokesperson PLT. Nadame Malang na nakakuha sila ng impormasyon na tuluy-tuloy ang pagdidispatya ng mga Discaya ng iba pa nilang mga sasakyan.

Nag-udyok sa nasabing pag-impound ng mga sasakyan ang isang tip na mayroong mga sasakyan na nagkumpulan sa isang gasolinahan sa sa North Luzon Express Way nang dis-oras ng gabi.

Samantala, nasa kustodiya na ng Land Transportation Office ang mga nasabing sasakyan at patuloy ang isinasasagawang imbestisgasyon kung sino ang mga may-ari ng mga ito.

Facebook Comments