7 menor de edad, nahuling gumagamit ng marijuana

Quezon City – Arestado ang 7 menor de edad na lalaki matapos mahuling nagma-marijuana sa Commonwealth Quezon City kagabi.

Hindi na pinangalanan ang mga suspek na 14 na taong gulang ang pinakabata at 17 anyos naman ang pinakamatanda.

Ayon kay Ms. Caridad Palermo ng Brgy. Council for the Protection of Children nakatanggap ng report ang brgy. na may mga batang lalaki ang nagma-marijuana sa kalsada.


Agad umaksyon ang brgy. at dito na naaktuhan na gumagamit ang mga suspek.

Na-recover sa kanila ang 2 malaking plastic na may lamang suspected dried marijuana.

Aminado ang mga suspek sa paggamit ng iligal na droga habang lumabas sa drug test ng brgy. Commonwealth na positibo sa paggamit ng marijuana ang mga menor de edad na nahuli.

Matapos i-turn over sa QCPD station 6, dinala ang mga suspek sa PDEA para sa proseso at proper disposition.

Dismayado lahat ng magulang ng bata habang giit nila na biktima lang ang kanilang anak at dapat mahuli ang nagsu-supply ng marijuana sa mga suspek.

Facebook Comments