Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington D.C., USA na 7-milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang binili ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).
Ang naturang mga bakuna ay gagamitin ng ICTSI sa kanilang mga empleyado.
Habang ang 13-million doses naman ng Moderna vaccines na dadating sa bansa ngayong taon ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa kabuuan, 20-million doses ng Moderna vaccines ang dadating sa Pilipinas ngayong taon.
Una nang dumating sa bansa kahapon ang paunang 249,600 doses ng Moderna vaccines.
150,000 doses dito ay binili ng Philippine government, habang ang 99,600 doses ay binili ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI)
Facebook Comments