7 milyon doses ng COVID-19 vaccine, ilalaan ng pamahalaan sa 3rd dose at booster shots ng mga healthcare worker at priority groups

Aabot sa 7 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang ilalaan ng pamahalaan para sa 3rd dose at booster shots sa mga healthcare worker at priority groups.

Ito ay kasunod ng pagbibigay ng go signal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., humigit kumulang 2 milyong doses ng bakuna ay para sa healthcare workers habang ang 5 milyong doses ay para sa mga immunocompromised individuals at senior citizen.


Aniya, sa Nobyembre inaasahang masisimulan ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare worker at priority groups.

Kabilang aniya sa unang mabibigyan ng booster shot ang mga nabakunahan noong March, April, at May.

Facebook Comments