Inirerekomenda ng OCTA Research Group ang pagbabakuna ng 50-porsyento ng populasyon sa Metro Manila o katumbas ng pitong milyong katao para maabot ang herd containment bago ang katapusan ng taon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang kanilang calculations ay batay sa kanilang assessment sa risk level at economic impact ng pandemya.
Aniya, mahirap maabot ang 75% kung hindi pa mababakunahan ang mga bata.
Dapat nasa 70-porsyento ng vaccine doses ang ilaan sa NCR, Calabarzon, at Central Luzon.
Mahalaga ring matutukan ang iba pang high risk areas tulad ng Baguio, Tuguegarao, Santiago City at Cainta, Rizal.
Facebook Comments