7 miyembro ng MILF, patay sa engkwentro sa pagitan ng ISIS-inspired terrorist group sa Maguindanao

Patay ang pitong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos maka-engkwentro ang ilang miyembro ng ISIS-inspired terror group sa Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Laguiali Ali, Poangan Ganda, Kho Mamaluba, Jeomar Salansamen, Mads Maitem, Tongan Tot at Datumaniot Musbil.

Ayon kay Lt. Col. Ernesto Gener, commander ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army, tumagal ng halos kalahating araw ang engkwentro na sumiklab Biyernes ng umaga sa Sitio Tinulusan, Dasawao 4 sa Shariff Saydona.


Nakalaban ng MILF ang grupo ni Salahuddin Hassan, lider ng Dawlah Islamiya.

Bukod sa mga nasawi, may ilan din umanong nasugatan.

Nananatili namang matindi ang tensyon sa lugar dahil sa inaasahang pagresbak ng MILF.

Wala pang inilalabas na pahayag ang MILF.

Ayon naman sa Bngsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na minsan na ring nagpakita ng alyansa sa ISIS, wala silang kinalaman sa engkwentro.

Facebook Comments