Zamboanga Sibugay – Pitong miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar sa Zamboanga Sibugay noong September 27.
Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina Henry Bawan Becsala, Benbin Gumandag Mandaw, Mario Oksik Maghanaoy, Lauravel Obaran Niadas, Villa Neadas, Marcelino Gumangay Lavares, at Joseph Gumangay Lavarez.
Ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay, ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, sumuko ang pitong rebelde alas-6:00 ng September 27 sa tropa ng 102nd Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Barangay Sanito, Ipil, Zamboga Sibugay.
Kasabay na isinuko ng mga rebeldeng sina Becsala, Mandaw, at Maghanaoy ang kanilang dalawang K47 rifles at isang Caliber .45 Remington.
Sa ngayon, sumasailalim na sa custodial debriefing ang mga sumukong rebelde.
Pinuri naman ni Lieutenant General Carlito Galvez Jr., ang commander ng Western Mindanao Command, ang mga miyembro ng Joint Task Force ZamPeLan dahil sa pagsuko ng mga rebelde.