7 mula sa 8 pediatric ICU beds sa PGH, okupado na

Karamihan sa mga batang naa-admit sa Philippine General Hospital (PGH) na tinatamaan ng COVID-19 ay nagiging malala ang sitwayon.

Ayon kay PGH Spokesperson Jonas del Rosario, pito mula sa walong nakalaang kama sa pediatric COVID-19 patients ang okupado na.

Tatlo aniya sa mga ito ang naka-intubate habang apat ang nangangailangan ng oxygen.


Paliwanag ni Rosario, karamihan sa mga batang ito ay mayroong severe pneumonia kaya kinakailangang ma-intubate habang ang iba ay may comorbidities at mas vulnerable sa virus.

Ikinababahala naman ng PGH ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan umabot na sa 90 porsyento ng kanilang Intensive Care Unit (ICU) COVID-19 bed capacity ang okupado na.

Aabot na lamang aniya sa lima hanggang anim ang natitirang kama para sa COVID-19 patient na hindi na sasapat kung tatanggap pa sila ng mas maraming pasyente.

Facebook Comments