7 na tauhan ng PDEA na dawit sa reklamong kidnapping for ransom and serious illegal detention, inalis sa pwesto

Inalis na muna sa pwesto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa pito nilang mga tauhan sa Region 3 dahil sa umano’y reklamo ng kidnapping for ransom and serious illegal detention at robbery sa isang Chinese national.

Ito’y matapos magreklamo sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang Chinese national dahil sa umano’y pagdukot sa kaniya at pagnanakaw na nangyari noong July 31.

Ayon Kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, tiniyak nito ang kooperasyon sa imbestigasyon.


Inirekomenda na kasi ng Task Force on Anti-Kidnapping, National Prosecution Service ng Department of Justice na isailalim sa preliminary investigation ang pitong PDEA agents at ilan pang John Does.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Carreon dahil ang PNP-AKG aniya ang humahawak sa kaso.

Facebook Comments