Sunday, February 8, 2026

7 naghain ng COC bilang kongresista sa Antipolo City —Comelec

Umabot sa pito ang mga naghain ng kanilang kandidatura para maging kinatawan ng ikalawang distrito ng Antipolo City.

Batay sa listahan ng mga aplikante mula kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, pito ang naghain ng Certificates of Candidacy sa loob ng 2 araw na filing period o hanggang kahapon.

Ito ay sina Dandin Infante, Reden Llaga, Lorenzo Sumulong, Maria Cafirma, Nathaniel Lobigas, Irvin Paulo Tapales.

Naghain din ng kaniyang COC si Philip Acop na anak ng yumaong kongresista ng Antipolo 2nd district na si Romeo Acop.

Una nang sinabi ng poll body na hindi pa sila pwedeng mangampanya dahil sa February 12 pa mag-uumpisa ang campaign period na tatagal sa loob ng isang buwan o hanggang March 12.

Habang sa March 14 naman ang araw ng halalan na inaasahang lalahukan ng nasa 300,000 rehistradong botante.

Facebook Comments