Manila, Philippines – Pitong opisyal kabilang ang dating alkalde ng Guiuan, Eastern Samar ang nahaharap ngayon sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang procurement ng fire truck noong 2007.
Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Mayor Annaliza Gonzales-Kwan, Municipal Engineer Arsenio Salamida, Budget Officer Esperanza Cotin, Admin Officer Felipe Padual, Market Supervisor Danila Colandog, Draftsman Gilberto Labicane at Municipal Planning Development Officer Ma. Nenita Ecleo.
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na hindi sumunod ang mga naturang opisyal sa regulasyon ng pagbili ng fire truck na nagkakahalaga ng P1.99-million.
Nabatid na walang pruwebang dumaan sa ito bidding na isa sa mga requirement na nakasaad sa government procurement reform act.
Nation”