Manila, Philippines – Nagkasagutan sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts sina Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez at dating Biliran Representative Glenn Chong hinggil sa nagdaang halalan.
Tanong ni Chong, kung bakit pitong oras na walang nailabas na resulta sa media ang transparency server noong halalan.
Aniya, nagamit ang ilang oras na delay para hindi mabuking na may manipulasyon sa mga makina.
Matapos ang pagdinig, sinundan ni Chong si Jimenez nang palabas na ito pero bumalik si Jimenez na tila nagtatalo sila.
Muli ring iginiit ni Jimenez na walang epekto sa resulta ang 7 oras na delay sa transparency server.
Kasabay nito, muling tiniyak ng Comelec na bukas sila na hindi na Smartmatic ang magsu-suplay ng makina sa mga susunod na halalan.
Nasa Kongreso na rin ang desisyon kung gagamit ng hybrid election system o mano-manong bilangan sa presinto matapos ang mga aberya nitong nagdaang halalan.