7 panukalang batas na naglalayong palakasin pa ang ilang HEIs, inaprubahan ni PBBM

Ganap nang mga batas ang pitong panukala na naglalayong palakasin pa ang ilang Higher Education Institutions (HEIs) sa iba’t ibang lalawigan sa bansa matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11968, binigyan ni Pangulong Marcos ng pahintulot ang pag-convert sa San Isidro Satellite campus ng Leyte Normal University o LNU sa Leyte bilang isang regular campus na tatawaging “LNU-San Isidro Campus.”

Nilagdaan din ni PBBM ang RA No. 11969 na nagko-convert sa Bataan Peninsula State University o BPSU-Bagac Extension Campus sa Bataan bilang sa isang regular campus at tatawagin na itong “BPSU-Bagac Campus.”


Ang iba pang mga batas na nilagdaan ng presidente ay ang pagtatatag ng Colleges of Medicine tulad ng Benguet State University-College of Medicine sa La Trinidad, Benguet, at Southern Luzon State University-College of Medicine sa Lucban, Quezon.

Maging ang RA No. 11972 ay pinirmahan din ni Pangulong Marcos para sa pagtatatag ng University of Eastern Philippines-College of Medicine sa Catarman, Northern Samar at maging ang RA No. 11974 para sa paglikha ng Visayas State University-College of Medicine sa Baybay, Leyte.

Samantala, pinirmahan din ng pangulo ang RA No. 11973 na nagtatatag sa Bicol University-College of Veterinary Medicine sa Ligao City, Albay.

Batay sa mga bagong batas, maaari nang magtakda ang HEIs ng Doctor of Medicine Program, kasama na ang Integrated Liberal Arts and Medicine Program para bumuo ng isang hanay ng propesyonal na mga doktor at mapalakas ang healthcare system ng bansa.

Facebook Comments