Brazil – Patay ang pitong katao habang 150 iba pa ang pinaghahanap matapos gumuho ang isang mining dam sa Brazil.
Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga otoridad sa south-east state ng Minas Gerais.
Kasabay nito, pinalikas rin ang mga residente sa lugar dahil sa insidente.
Nabatid ang dam ay pag-aari ng pinakamalaking kumpanya sa Brazil na Vale kung saan sinasala dito ang mga residue mula sa Feijao Iron Ore Mine.
Facebook Comments