7 Patay, 3 Sugatan matapos Mahulog sa Bangin ang Isang Sasakyan!

1153

*Aguinaldo, Ifugao- *Pito ang kumpirmnadong patay habang tatlo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang Elf Truck pasado alas syete kaninang umaga sa kahabaan ng Sitio Muntonop, Brgy. Ubao, Aguinaldo, Ifugao.

Kinilala ang mga namatay na sina Joey Tambiyag at asawa nito na si Divina Chumatog Tambiyag, Whilma Chumatog, Ngittit Chog-ap, Josephine Uhuban, Rosita Paynohon, pawang mga residente ng Majlong, Aguinaldo, Ifugao at Vicente Buyag-ao na residente naman ng Timboan Bunhian, Aguinaldo, Ifugao.


Samantalang ang mga sugatan ay sina Artist Paynohon, Kimberly Joy Tambiag at Fernando Bahiwag, pawang mga residente ng Aguinaldo, Ifugao.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan kay MDRRMO Officer Andres H. Longatan, galing sa barangay Majlong ang sasakyan na makikilibing sana sa kanilang mga kamag-anak sa barangay Ubao sa nasabi ring bayan nang magkaroon umano ng mechanical deffect ang sasakyan na minamaneho ni Joey Tambiyag kaya’t bumulusok ito pababa hanggang sa tuluyang mahulog sa malalim na bangin.

Kaugnay nito ay inako na ng lokal na pamahalaan ng Aguinaldo, Ifugao ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa naturang trahedya.

Sa ngayon ay hirap pang makausap ng mga otoridad ang mga survivor dahil na rin sa trauma kaya’t hindi pa sila makapagbigay ng mga karagdagang detalye kaugnay sa naturang pangyayari.




Facebook Comments