7 patay at higit 20 sugatan sa mass shooting sa Texas

Patay ang pitong katao habang 22 ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa West Texas.

Gamit ang AR type rifle, niratrat ng 36-anyos na suspek na si Seth Aaron Ator ang sinumang makikita niya.

Nakorner ng mga pulis ang suspek at napatay ito.


Hindi pa malinaw ang motibo subalit hindi rin inaalis ang posibilidad na may ugnayan ito sa domestic o international terrorism.

Nagpaabot na ng pakikiramay si U.S. President Donald Trump.

Ito na ang ikalawang mass shooting sa Texas.

Facebook Comments