Aabot sa pito ang patay habang 11 ang nawawala sa paglubog ng isang barko sa Bali, Indonesia.
Ayon sa mga otoridad, galing mula Java Island ang barkong KMP Yunicee kung saan lulan nito ang 57 katao nang lumubog sa Gilimanuk port sa kanlurang bahagi ng holiday island.
Tinutukoy pa rin ng otoridad ang sanhi ng insidente.
Matatandaang umabot sa 160 ang nasawi nang lumubog naman ang isang barko sa isla ng Sumatra nitong 2018.
Facebook Comments