Dahil sa nararanasang polar vortex, pito na ang patay sa midwest section ng Amerika.
Sa ngayon ay naka-shutdown ang mga lungsod sa iba’t ibang Estado ng Amerika bunsod ng nagyeyelong panahon.
Sa Chicago, bagsak na sa -30 degree celsius ang temperatura, mas malamig kumpara sa Antarctica at North Dakota na may -37°c.
Inaasahan umanong hanggang -17°c pababa pa ang mararamdamang lamig ng mahigit sa 250 milyong mamamayan ng Estados Unidos.
Sa weather forecast sa estado ng Wisconsin, magpapatuloy ang pagbagsak ng snow mula sa Great Lakes Region patungo sa New England na may kapal na 24 inches kaya asahan na aabot pa hanggang -17°c ang mararamdamang lamig sa Estados Unidos.
Facebook Comments