7 patay sa operasyon sa Midsayap North Cotabato, mga armas narekober

107

Kinumpirma sa DXMY-RMN Cotabato ni 34th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Glen Caballero ang pagkasawi ng pito katao sa ikinasnag military at police operation kahapon sa Sitio Narra, Brgy Tumbras, Midsayap, North Cotabato.
Sinabi ni Col. Caballero na isang tip mula sa residente sa lugar ang kanilang natanggap na nagtatago sa isang kubo sa area si Mama Macalimbol alyas Mama na suspek sa pagpapasabog noon sa bayan ng Midsayap at may kasong multiple attempted murder.
Agad na tumugon ang Midsayap Municipal Police Station at 34th Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army sa naturang impormasyon upang isilbi ang standing warrant of arrest kay Macalimbol.
Subalit nang paparating na ang tropa ng gobyerno ay pinaputukan ito ng grupo ni Macalimbol.
Gumanti ng putok ang mga otoridad kung saan tumagal ng 30 hanggang 40 minuto ang palitan nila ng putok ayon pa kay Col. Caballero.
Nang humupa ang putukan ay doon na tumambad sa kapulisan at kasundaluhan ang 7 bangkay ng mga nakabarilan nila.
Sinabi pa ni Col. Caballero na dalawa lamang sa pitong namatay ang na-identify kaagad subalit kinagabihan at isa-isa na ring kinilala ng kanilang mga kaanak ang mga bangkay.
Ayon pa kay Col. Cabbalero, may isang nakatakas subalit sugatan base na rin sa bakas ng mga dugo sa lugar na dinaanan nito papalayo sa lugar ng pinangyarihan ng sagupaan.
Inihayag din ng opisyal na 7 mga matataas na armas din ang kanilang narekober na kinabibilangan ng cal.30 garand riffle, 7.62mm, Cal. 50 Improvised Barret, 7.62 mm M14 Rifle, Improvised 7.62 mm M14 Rifle at M16 5.56 mm Rifle.
Wala ring nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan sa naturang engkwentro.
Sa kasalukuyan ay balik na sa normal ang sitwasyon sa Sitio Narra, Brgy Tumbras, Midsayap, North Cotabato.
Sinabi ni Col. Caballero na wala namang tensyon sa lugar matapos na makasagupa nila kahapon ang target ng kanilang military at police operation na si Mama Macalimbol alyas Mama at grupo nito.
Sa kabuuan ay generally peaceful sa kanilang AOR dagdag pa ng opisyal.
Samantala, pinasalamatan naman ni Col. Caballero ang mga residente sa kanilang kinasasakupan na nagpapa-abot sa kanila ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang impormasyo.

provincial-oct 24
7 diumano ang nasawi sa ikinasnag military at police operation kahapon sa Sitio Narra, Brgy Tumbras, Midsayap, North Cotabato.
Ang joint operation ng Midsayap Municipal Police Station at 34th Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army ay laban sa isang Mama Macalimbol alyas Mama.
Si Macalimbol ang itinuturong leader ng isang grupo na responsable sa ibat-ibang kriminalidad at sa umanoy pambobomba sa bayan ng Midsayap maging sa buong North Cotabato.
Bagamat hindi pa inihayag ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay, naniniwala naman ang mga ito na kabilang sa mga napatay ang kanilang target na si Macalimbol.
Nagsimula umano ang palitan ng putok ng unang paputukan ng grupo ni Macalimbo ang paparating na tropa ng kapulisan at kasundaluhan.
Nang humupa na ang sagupaan, narekober ang tropa ng pamahalaan ng dalawang cal.30 garand riffle, isang 7.62mm, isang Cal. 50 Improvised Barret, isang 7.62 mm M14 Rifle, isang Improvised 7.62 mm M14 Rifle at isang M16 5.56 mm Rifle.
AFP Pic


Facebook Comments