7 police officers sa Quirino Province, kinasuhan ng NBI kaugnay ng pagkakapatay sa isang kasapi ng tribu

Kinasuhan ng murder ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong police officers sa Nagtipunan,
Qurino.

Kinilala ng NBI ang mga kinasuhan na sina Police Major Fernando G. Manayod, Police Officers Jorey Cumahling, Jimboy Irang, Delmar Salvador, Allan Fiad-Ong, Jonathan Limmong at Police Officer Raymundo Littuco.

May kaugnayan ito sa pagkakapatay ng mga ito sa kasapi ng isang tribu na si Jim B. White nitong May 28, 2025, sa San Pugo, Nagtipunan, Quirino.

Nabatid na si White, kasapi ng Bugkalot-llongot Indigenous Cultural Community ay nagkaroon ng amicable settlement sa tribu dahil sa kanyang mga kasong kriminal.

Nakatakda na sanang sumuko si White sa mga awtoridad nang pagbabarilin siya ng mga pulis.

Ayon sa NBI ambush-style operation, ang nangyari kay White dahil lumabas sa kanilang medico legal findings na lahat ng entry wounds ng mga bala ay tumama sa likod.

Facebook Comments