
Tuluyan ng sinampahan ng kasong administratibo sa Legal Affairs Service ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pitong pulis Caloocan city.
Ayon kay Commissioner Rafael Calinisan, vice chairperson at executive director ng NAPOLCOM, nakitaan ng probable cause ang inihaing reklamo laban sa mga pulis.
Kasong grave misconduct, grave dishonesty, incompetence, oppression at conduct unbecoming of police officer ang isinampa laban sa mga akusadong pulis.
Nag-ugat ito sa reklamo ng ama ni Dion na si Jayson Dela Rosa laban sa mga pulis.
Si Dion ang binatilyo na namatay matapos na magka-leptospirosis sa paglusong sa baha para hanapin ang kaniyang tatay.
Kalaunan napag-alaman na ito pala ay inaresto ng mga pulis dahil sa illegal gambling.
Pero sa ipinrisintang CCTV footage sa NAPOLCOM, inaresto si Jayson dahil sa shoplifting kahit na hindi nagreklamo ang convenience store laban sa kaniya matapos na isauli ang kinuha niyang pabango.
Ginamit umano ang pag-aresto kay Jayson para sa quota system sa Philippine National Police.









