7 pulis ng San Jose Del Monte City, Bulacan, pinatatambakan ng kaso ng DOJ kaugnay ng pagpatay sa 6 na inosenteng sibilyan

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors ang pagsasampa ng kaso laban sa 7 pulis ng San Jose Del Monte City, Bulacan kaugnay sa pagpatay sa 6 na sibilyan sa sinasabing fabricated buy-bust operations.

Kabilang sa mga kaso ang 6 counts ng arbitrary detention at 6 counts ng murder laban sa respondents na sina:

1. PSSG. Benjie D. Enconado
2. PSSG. Irwin Joy M. Yuson
3. PCPL. Marlon M. Martus
4. PCPL. Edmund V. Catubay, Jr.
5. PCPL. Harvy C. Albino
6. PCPL. Herbert L. Hernandez
7. PAT. Rusco Virnar A. Madla


Lumalabas sa imbestigasyon ng DOJ na walang nangyaring buy-bust operations noong February 2020 at sa halip sila ay sapilitang kinuha ng mga pulis.

Nakaabang naman ang DOJ sa warrant of arrest na ipapalabas ng korte.

Sa nasabing operasyon, napatay ang mga sibilyan na sina Chamberlain S. Domingo, Chadwin D.R. Santos, Edmar S. Aspirin, Richard C. Salgado, Erwin N. Mergal, at Jim Joshua Cordero.

Facebook Comments