7 rebelde, patay matapos maka-engkwentro ng militar sa Nueva Ecija

 

Nasawi ang pitong rebelde makaraang maka-engkwentro ang tropa ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Pantabangan, Nueva Ecija kahapon.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala ang mga nasawing rebelde ay mula sa komiteng rehiyong gitnang Luzon.

Ang engkwentro kahapon ay bunga ng hot pursuit operations kung saan nitong Hunyo 20 pa lang ay nagkasa na ng aerial strike ang militar sa Nueva Vizcaya.


Samantala, 10 matataas na kalibre ng baril ang narekober ng mga awtoridad mula sa mga napatay na rebelde.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing CPP-NPA.

Sinabi pa ni Dema-ala na walang casualty sa panig ng militar at sibilyan.

Nagpapatuloy rin ang hot pursuit operations sa iba pang nakatakas na rebelde.

Facebook Comments