Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pitong rehiyon sa bansa na ang may kaso ng B.1.1.7 o United Kingdom variant ng COVID-19 habang 6 na rehiyon na ang apektado ng B.1.351 o South Africa variant.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, ang pitong rehiyon na may UK variant ay ang mga sumusunod:
Region 1 na may isang kaso; Cordillera Administrative Region na may 41 na apektado; Region 3 na may 4; Metro Manila na may 76 na kaso; Region 4-A na 5 ang tinamaan; Region 6 na may 1; at Region 10 na may isa rin na kaso.
Ang 6 na rehiyon naman na may natukoy na kaso ng South Africa variant ay ang:
Region 2 at 3 na may isa; National Capital Region na may 105 na kaso; Region 4-A na may tatlo at isa sa Region 10 bukod pa sa Region 6.
Kinumpirma rin ni De Guzman na lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ay apektado ng dalawang variant of concern.
Lumalabas din sa pagsusuri na 85 o katumbas ng 23% sa mga kaso ng variant of concern ay returning overseas Filipinos.