7 ruta para sa provincial buses, binuksan na ng LTFRB

73101

Binuksan na ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pitong ruta na magmumula lahat sa Sta. Rosa Integrated Terminal sa Laguna at bibiyahe patungong Visayas

Ang mga ruta ng mga bus ay patungong Kalibo at Malay sa Aklan, San Jose sa Antique, Roxas City, Estancia, Miag-ao at Iloilo City sa Iloilo at vice-versa.


Muli namang nagpaalala ang LTFRB sa mga pasahero at bus companies na mahigpit na ipatupad ang health protocols kabilang na ang sinasabing “seven commandments” sa pagbiyahe.

Kabilang dito ang:
• Laging pagsusuot ng face mask at face shield

• Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono

• Bawal kumain




• Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga sasakyan

• Laging magsagawa ng disinfection

• Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon

• Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule)

Mahigpit naman ang paalala ng mga otoridad sa bus companies na bawal magtaas sa singil sa pamasahe

Facebook Comments