Halos pito sa sampung bagong kaso ng COVID-19 ay Delta variant.
Sa pagsusuri ng Philippine Genome Center (PGC) sa 748 random samples, lumabas na 516 o 69% ay kaso ng Delta variant kung saan 473 dito ay local cases.
Sa nasabing bilang, 114 na kaso ay naitala sa National Capital Region.
Ang Delta variant ay naitala na sa 13 mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas.
Facebook Comments