Pito sa sampung Pilipino ang pabor na bumili ng mga recyclable container kaysa sa sachet.
Base sa Social Weather Stations (SWS) survey – 68 percent ng Filipino ang nais bumili ng food condiments tulad ng mantika, toyo at iba pa na nakalagay sa recyclable o refillable containers.
Nasa 42 percent naman ang pabor na bumili ng personal care products tulad na shampoo at conditioner at mga liquid household cleaning products na nakalagay sa recyclable containers.
Habang 29 percent ang gustong bumili ng mga powdered drinks tulad ng juice at coffee na nakalagay sa containers at 27 porsyento ang nagsabing bibili ng powdered cleaning products sa recyclable na lalagyan.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong Setyembre 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 adults nationwide.