7 sa bawat 10 Pilipino, nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan – SWS Survey

Nakatanggap ng financial aid mula sa pamahalaan sa gitna ng coronavirus pandemic ang 72% ng mga Pilipino.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), tinanong sa mga respondent kung nakatanggap ang kanilang pamilya ng kahit anong tulong mula sa kahit anong sangay o ahensya ng gobyerno mula nang nagsimula ang krisis sa COVID-19.

Lumabas sa survey na maraming nakatanggap ng ayuda sa Metro Manila na nasa 85%, kasunod ang Balance Luzon (75%), Visayas (64%) at Mindanao (65%).


Nasa 75% ng mga babaeng respondents ang nagsabing nakatanggap ang kanilang pamilya ng financial assistance mula sa gobyerno, mataas sa mga lalaki na nasa 65%.

Mas maraming pamilyang kabilang sa ‘less educated’ ang nakatanggap ng ayuda sa pamahalaan.

Ang special national mobile phone survey ay isinagawa mula July 3 hanggang 6 sa 1,555 adult respondents.

Facebook Comments