7 sa bawat 10 Pilipino, sang-ayon na dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga inaangking teritoryo ng China sa WPS

Pito sa bawat sampung Pilipino ang sang-ayon na dapat igiit ng gobyerno ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 70% ng 1,555 respondent ang sang-ayon na dapat igiit ng bansa ang karapatan nito sa mga isla.

13% naman ang hindi sang-ayon habang 15% ang undecided.


Lumabas din sa survey na apat sa bawat limang Pilipino ang sang-ayon na dapat bumuo ng alyansa ang Pilipinas sa ibang bansa na handang depensahan ang kanilang territorial rights sa West Philippine Sea.

Nabatid na patuloy na binabalewala ng China ang naging ruling ng Permanent Court of Arbitration noong July 2016 na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa karagatan.

Isinagawa ang survey mula July 3 hanggang 6, 2020 sa pamamagitan ng mobile phone interview.

Facebook Comments