Mayorya o 71% ng mga Pilipino ang wala pa ring financial accounts nitong 2019.
Ito ang lumabas sa Financial Inclusion Survey (FIS) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa survey, ang mga Filipino adult na mayroong account sa bangko ay nasa 29% nitong 2019, mataas mula sa 23% noong 2017.
Katumbas ito ng limang milyong Pilipino na nagbukas ng account sa loob ng two-year period.
Ang mga Filipino adult na walang bank accounts ay tinatayang nasa 51.2 million, mula sa total adult population na nasa 72 million noong 2019.
Ayon sa BSP, ang dahilan ng hindi pagkakaroon ng bank accounts ng karamihan sa mga Pinoy ay kawalan din ng pera.
Ilan pa sa dahilan ay hindi nila kailangan ito o kulang ang documentary requirements.
Lumalago rin ang pagkakaroon ng e-money accounts sa 8% nitong 2019 mula sa 1% noong 2017.
Ang microfinance accounts ay umangat ng 12% mula sa 8%, habang halos nananatili sa 11.5% ang bank accounts.
Ginagamit ang mga e-payment accounts sa ilang payment transactions tulad ng pagbabayad ng bills at fund transfers.
Tiwala ang BSP na uunlad ang financial services sa gitna ng COVID-19 pandemic.