Pito sa bawat 10 muslim sa bansa ang pabor sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa 2019 plebiscite.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 79% ng mga kababayan nating Muslim ang suportado ang BOL habang 7% ang hindi, at 14% ang hindi makapagpasya.
Katumbas ito ng net approval score na +72 mula sa mga Muslim, nasa +15 sa Iglesia ni Cristo, +10 sa Katoliko, at +9 sa iba pang relihiyong Kristiyano.
Lumabas din sa survey na 78% ng mga Muslim ay may kaalaman tungkol sa BOL, 65, 65% ng mga Katoliko naman ang nagsabing may maliit silang kaalaman tungkol dito habang 61% sa INC habang 61% sa iba pang Christian religion.
Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 respondents.