7 sa bawat 10 Pinoy, mataas ang tiwala sa US – SWS

Nananatiling mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa Estados Unidos.

Sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey, nakakuha ng plus 60 o “very good” net trust rating sa mga Pilipino ang Estados Unidos.

Sinundan ito ng Japan na may plus 34 o good net trust at Australia na may plus 31.


Nakakuha naman ang China ng minus 7 o “neutral” net trust mula sa mga Pilipino.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 respondents.

Facebook Comments