Manila, Philippines – Naniniwala ang pito sa bawat 10 Pilipino na mas mabuting magbigay kaysa sa makatanggap ng regalo tuwing Christmas season.
Base sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), 74% ng mga adult Filipinos ang nagsabing na ‘its better to give than to receive’ habang nasa 22% ang mas gustong ‘its better to receive’.
Ang bilang ng mga nagsabing ‘better to give’ ay mababa kumpara sa 81% noong 2017.
Ang mga respondents sa Metro Manila ang karamihan sa nagsabing may mabuting magbigay ng regalo na nasa 84%, sinundan ng Luzon na may 76%, Mindanao na nasa 72% at Visayas na may 67%.
Mataas sa upper-to-middle class o class ABC ang nagsabing ‘better to give’ na may 77%, kasunod ang D o ‘masa’ na may 75% at class E o ‘pinakamahihirap’ na nasa 72%.
Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 respondents.