Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang sangkot sa drug trade at drug related killings ang ilang police officers.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), hiningan ng opinyon ang mga respondents kung naniniwala ba silang dawit sa kalakalan ng ilegal na droga ang ilang kapulisan.
Nasa 68% ng mga respondents ang nagsabing totoong may ilang pulis ang mayroong involvement sa drug trade, nasa 6% naman ang hindi naniniwala habang nasa 26% ang undecided.
Tinanong din sa survey kung naniniwala ang respondents na sangkot sa extrajudicial killings o EJK ang ilang kapulisan.
Nasa 66% ang naniniwala, 5% ang hindi, habang 28% ang hindi makapagdesisyon.
Ang survey ay isinagawa mula December 16 hanggang 19 sa 1,440 respondents na may margin of error na +/- 2.6% nationwide at +/- 5% sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.