7 sa mga nasugatan sa paputok, isasailalim sa amputation

Kailangang ng amputation o pagputol sa bahagi ng katawan ng pito sa 23 nasugatan sa paputok.

Ayon sa Department of Health (DOH), 11 sa mga ito ang napinsala ang kamay dahil sa paputok, 6 ang nagtamo ng pinsala sa mata, 7 ang nasugatan sa ulo, 3 sa leeg at 2 sa dibdib.

Ang edad ng mga biktima ay nasa 6 hanggang 34 pero karamihan sa kanila ay mga bata at nasa 19 naman ang mga lalaki.


15 sa mga nasaktan ang nasugatan habang sila ay nagpapaputok.

Facebook Comments